Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Slapshock bassist na kumaladkad kay Jamir sa kontrobersya, nagsalita na

0 360

Naglabas na ng statement si Lee Nadela, ang bassist ng Slapshock na nagkaroon ng girian sa pumanaw na frontman ng banda na si Jamir Garcia.

Sa Facebook post ni Nadela, bagama’t marami silang hindi pagkakaintindihan ay mas nangingibabaw pa rin ang kanilang mabuting pinagsamahan sa nakalipas na dalawang dekada.

“We may have had differences, pero mas mahaba at mas marami kaming mabuting pinagsamahan for 23 years,” ayon kay Nadela.

“Mahal ko siya na parang kapatid at nalungkot ako na ito ang pinili niyang paraan. God knows wala sa isip ko na sa ganito hahantong ang lahat,” aniya pa.

Sinagot din ng bassist ang paratang umano sa kanya at Slapshock guitarist Jerry Basco ng misis ni Jamir na si Jaya.

Ito’y matapos na mag-post si Jaya ng video message kung saan sinabi nito na ‘sinira’ ang kanyang asawa ng mga taong inggit ngnunit hindi ito pinangalanan.

“Huwag mo sanang gawing galit ang lungkot na nararamdaman nating lahat, at ipasa ang galit sa amin o maghanap ng sisisihin dahil wala naman talagang nakakaalam ng tunay na dahilan kung bakit nagawa ni Jamir yun,” saad ni Nadela.

“Jaya, ang mga binitiwan mong salita against us ay walang basehan, either tinatago mo ang katotohanan or wala kang alam at all sa nangyari sa band namin.”

Saad pa ni Nadela na kung may mga ebidensyang gustong ilantad si Jaya ay dapat sa korte sila magkaharap.

Matatandaan na si Nadela ang nagbunyag ng umano’y hindi pantay na hatian ng kita ng banda, na humantong sa disbandment ng Slapshock. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.