Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Skyway paluluwagin biyahe ng mga Pinoy – Duterte

0 162

Magdudulot ng malaking ginhawa ang pagtatayo ng mga Skyway para lumuwag ang trapiko sa Metro Manila, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagbubukas ng Metro Manila Skyway State 3 sa Quezon City nitong Huwebes, inihayag ng Pangulo na ang elevated expressway na ipinatayo sa ilalim ng Build, Build, Build program ay makatutulong para gumaan ang pagbiyahe ng mga Pinoy.

“Today, the life of many may not really be very, very comfortable. But ang hiningi ko lang naman komportable lang na buhay. And if this will continue, the planned Skyways and more, then we will be freed of the horrendous traffic congestion that is obtaining in all cities, crowded cities in the world,” pahayag ng Pangulo.

Ang 18 kilometrong Skyway 3 ay mula sa Buendia, Makati hanggang Balintawak, Quezon City. Kapag dumaan dito ang motorist ay magiging 30 minuto na lamang mula sa dating dalawng oras, ang biyahe mula North Luzon Expressway patungo sa South Luzon Expressway. (Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.