Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sky Candy super tulin

0 137

IPINAKITA ni outstanding favorite Sky Candy ang tulin nito sa largahan matapos ang wire-to-wire win sa Condition Race (17) nitong Miyerkoles ng gabi sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sinunggaban agad ng anak nina Twirling Candy at Lady Simpson na si Sky Candy ang unahan paglabas ng aparato, hindi na pinadikit ang mga kalaban hanggang sa pagtawid ng meta.

Ginabayan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce, nakapagtala si Sky Candy ng tiyempong 1:29.4 minuto sa 1,400-meter race.

May apat na kabayo ang agwat ng panalo ni Sky Candy sa sumegundong si Weather Lang, ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Sa huling kurbada ay kitang-kita na masisikwat na ni Sky Candy ang panalo dahil nakapirmis pa sa pagdadala ang hinete nito.

“Mahusay ang pagkakadala ni Jessie (Guce), relax na relax sila sa unahan kaya naman wala nang nakadikit sa kanila,” saad ni Jerry Golez, veteran karerista.

Pangatlong tumawid sa meta si Bomod Ok Falls, habang pang-apat si Eugene Onegin. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.