Una sa Balita

Skater Didal makikigirian sa Tokyo Olympics berth

0 455

WALA pang eksaktong proseso ang International Olympic Committee, World Skateboarding Federation at Street League Skateboarding para sa mga magiging qualifier sa debut ng sport sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Ganunpaman, habang nakatakda pa lang ihayag ang patakaran, seryoso si Margielyn Arda Didal, 19, na makaporma na sa quadrennial sportsfest sa pag-ayuda ng Go For Gold, sasabak siya sa Street League Skateboarding PRO Championships sa Rio De Janeiro, Brazil sa Enero 8-11, ang unan­g Olympic ranking sport competition.

Makakabangga ng biglang sumikat na Pinay skateboarder na tubong Cebu nang mahagip ang 18th Asian Games 2018 Palembang, Indonesia gold medal noong Agosto, sa nakatakdang apat na araw na kompetisyon ang mga tinitingala rin sa mundo sa disiplinang ito na sina Brazilian Monica Torres, Australian Haley Wilson, Candy Jacobs ng Netherlands, 16-year-old Japanese world champion Aori Nishimura, at Oregon-based Pinay Christina Means.

“I believe she is one of the leading contenders for our country to get another Olympic medal,’’ lahad ni Go For Gold godfather Jeremy Go sa pagsuporta sa biyahe ni Didal. (Ramil Cruz)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy