Una sa Balita

Skate Crew tutuklas ng bagong Didal

0 231

SISIKAD ang ikatlong yugto ng Skate and Music Competition na inor­ganisa ng CAA Skate Crew sa May 25 sa Brgy. CAA Phase 4, Las Piñas.

Inilunsad ng CAA Skate Crew ang kumpetisyon na may dalawang serye noong Hulyo at Oktubre 2018 para sa layunin na maiparinig sa lokal na gobyerno ng Las Piñas ang sigaw ng mga skateboarder na pagrespeto at supporta sa isport bilang pangpalakasan at hindi isang libangan lamang.

Nagbabakasakali rin ang grupo na maging daan ang event upang makapagpatayo ng skatepark sa lugar tulad ng pagiging susi ni Marigielyn Didal sa pagkilala sa skateboaring sa Cebu City at sa iba pang panig ng bansa. (Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy