Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SK president tinodas sa Laguna

0 64

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang Sagguniang Kabataan (SK) Federation president ng bayan ng Lumban, Laguna sa loob mismo ng kanyang bahay, Martes ng hapon.

Agad nasawi si Renzo Matienzo, 26, ng Brgy. Maytalang 1.

Batay sa pulisya, alas-5:15 ng hapon nang pasukin ng suspek na nakasuot ng bonnet at face mask, ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto at malapitang pinagbabaril gamit ang kalibre .45.

Nagtamo ito ng mga tama sa ulo at katawan at namatay.

Mabilis namang tumakas ang suspek na naglakad lamang papalabas ng subdibisyon.

Agad nagsagawaa ng hot pursuit operation ang mga pulis subalit hindi na nakita ang suspek. Patuloy pang iniimbestigahan ang pamamaslang. (Ronilo Dagos)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.