Una sa Balita

SK kagawad, isa pa tiklo sa droga

By
0 275

ARESTADO ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) at kasamahan nito ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa isang buy-bust ope­ration kamakalawa nang gabi sa Tondo, Maynila.

Ayon kay P/Supt. Jerry Corpuz, station commander ng MPD-Station 7, nakilala ang suspek na sina Renato Garcia, 23, SK Kagawad, residente ng 1065 Batangas St., Tondo, at si Danilo Filler, 49, driver at nakatira sa 1097 F. Yuseco St., Tondo.

Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Reyna Joy Ofalsa, dakong alas-6:25 nang gabi nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng MPD ang mga suspek sa Batangas St., sa Tondo.