Una sa Balita

SK kagawad buking sa pag-deliver ng iligal na droga

0 335

KALABOSO ang isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) matapos ang anti-illegal drug operation na isinagawa sa bayan Mangatarem, Pangasi-nan kamakailan.

Kinilala ng Manga-tarem Police Station (MPS) ang suspek na si Gelo Aure de Vera, 1st year college, ng Brgy. Torre 2nd, ng nasabing bayan.

Ayon sa p­ulisya, bago pa lamang uma-nong nakilala si De Vera sa pagtutulak ng iligal na droga at nagsasagawa ng transaksiyon sa nasabing bayan.

Bago ang pag-aresto, nakatanggap umano ng impormasyon ang Mangatarem Police na muling mag di-deliver ng shabu ang suspek. Kasunod nito ay agad na nagsagawa ng ope-rasyon ang anti-drug unit ang pulisya laban kay De Vera.

Agad na pinosasan ang suspek ng isang undercover agent na pulis makaraang iabot ang iligal na droga.

Nakakulong ngayon ang suspek sa MPS cell at sinampahan na ng may kaugnayan sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Allan  Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy