Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SK chairman tinodas sa basketball court

0 74

Patay ang 27-anyos na Sangguniang Kabataan (SK) chairman ng Barangay Lumbocan matapos itong pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin habang nagpapaliga ng basketball sa Butuan City noong Martes.

Naisugod pa sa Agusan del Norte Provincial Hospital ang biktimang si Nelbert Mancao Gacosta pero nasawi ito habang nilalapatan ng lunas mula sa tinamong limang tama ng bala ng baril sa likod.

Ayon kay Police Major Dolores Aguhob ng Butuan City Police Station 3, abala ang biktima sa kanyang paliga sa Purok 7 sa Brgy. Masao nang bigla itong ratratin ng hindi pa nakikilalang suspek ganap na alas-9:40 ng gabi.
Nagkagulo sa lugar at sinamantala ito ng gunman para tumakas.

Samantala, mariing kinondena ng Sangguniang Kabataan (SK) Pederasyon ng Butuan City ang sinapit ng biktima at hiniling nila sa pulisya na masusing imbestigahan ang krimen para sa mabilis na pagdakip sa suspek o utak ng krimen. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.