Una sa Balita

SJDM–North Avenue 35 minuto sa MRT-7

0 264

TINIYAK ng Department of Transportation (DOTr) na matutuloy na sa 2021 ang operasyon ng Metro Rail Transit Line-7 dahil halos 47 porsiyento na ang konstruksyon nito mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang San Jose del Monte City, Bulacan.

Mababawasan din ang travel time mula Quezon City hanggang San Jose del Monte City kung saan ang dalawa hanggang tatlong oras ay posibleng maging 35 minuto na lamang.

Ayon sa DOTr, kabilang sa mga kumpleto na ay ang guideway construction, underground/depressed at at-grade excavation o concreting works and installation of coping beam, girder and trans-slabs on the elevated structures para sa 22 kilometers na daanan ng tren o rail line.

Nilinaw pa nito na dahil sa 24/7 operasyon, maayos na naisagawa ang electrical and mechanical works na ngayon ay nasa 108 cars na ang kumpleto.

Itatayo ang depot sa San Jose del Monte kung saan makikita ang control center, mga administrative office, warehouse at pasilidad ng mga tren. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy