Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sizzling tofu winner ‘wag lang araw-arawin

0 163

Ang tokwa o tofu ay gawa sa soya. Mayaman ito sa protina at may mga essential amino acids. Pinagkukunan din ito ng calcoum, minerals, manganese at phosphorous. Bukod diyan ay mayaman din ang tokwa sa magnesium, copper, zinc at Vitamin B1.

Kaya lang, hindi ito mainam na kainin ng maramihan o araw araw lalo na kung tumataas ang uric acid. Sinasabing nakakaapekto din ito sa hormones ng babae, kaya’t dapat ay hinay-hinay lang.

Ang isa sa masarap na luto sa tokwa ay ang Sisig Tofu sa sizzling plate.

Ang ginawa ko ay hiniwa ko muna ng maliit na pa-kuwadrado ang tokwa at saka ipinrito sa olive oil (puwede rin ang vegetable oil), hanggang mag-brown ang bawat bahagi nito.

Related Posts

Tinanggal ko sa kawali at pinatuyo sa isang pinggan na may paper towel.

Sa isang sizzling plate (o puwede rin sa isang kawali), igisa sa butter ang bawang na tinadtad, sibuyas at bell peppers na hiniwang maliliit sa loob ng isang minuto.

Idagdag ang mayonnaise, oyster sauce at tubig. Idagdag din ang hiniwang siling panigang o siling labuyo. Pabayaang medyo kumulo habang hinahalo sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto.

Kapag luto na ang sauce, ilagay at ihalo na ang pinritong tokwa. Ready na ang iyong sizzling sisig tofu!

Kung mayroon kayong nais na ibahaging recipe o menu sa restaurant, ipadala sa ating FB page: Patikim Nga o mag-email sa marou70@gmail.com.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.