Una sa Balita

Sizzling scenes ng GF ayaw panoorin ng BF ni Phoebe

0 25

Hindi inililihim ng sexy actress na si Phoebe Walker na may boyfriend siya na supportive sa career niya.

Alam ng boyfriend ni Phoebe na may sizzling scenes  ang kanyang girlfriend kay AJ Muhlach sa Double Barrel kaya nagdesisyon siya na huwag panoorin ang pelikula ng Viva Films na magbubukas sa mga sinehan sa August 9.

“ Hindi siya manonood. Sensual kasi ‘yung movie, conservative ‘yung family niya.

First time niya kasi na magka-girlfriend na nagso-showbiz tapos ako rin, first time na dumating ito sa akin, so sabi ko, parang dahan-dahan lang.”

“ Ayaw raw niya na ibang humahawak (sa akin) pero okey lang, alam naman niya na this is my career and parang desisyon ko rin at the end of the day so parang support-support lang,” ang kuwento ni Phoebe tungkol sa kanyang conservative boyfriend.

Walang dapat ipagselos ang boyfriend ni Phoebe kay AJ dahil may girlfriend din ito.

“ Sila nga, mas long term sila ng girlfriend niya, seven years. Viva (talent) din si Anna (Mabasa).

Kasama siya ni AJ sa unang presscon ng Double Barrel,” ang boluntaryo na impormasyon ni Phoebe tungkol sa lovelife ng leading man niya sa Double Barrel.