Una sa Balita

Siyento por siyento: Yolanda housing project sa Anilao, Iloilo at Pres. Roxas, Capiz tapos na

0 411

Gaya ng ating deklarasyon nitong mga nakaraang linggo na asahan na ang sunod-sunod na pag-turnover ng mga tapos nang housing units para sa Yolanda victims, siyento por siyento na ring kumpleto ang pabahay sa Anilao, Iloilo at Pres. Roxas, Capiz sa Panay island.

Bilang bahagi ng ikalawang bugso ng mga pagpapasinaya ng mga proyektong pabahay sa ilalim ng Inter-agency Task Force Yolanda na ating tinitimon bilang chairman, naipamahagi na nga nitong Biyernes sa mga benepisyaryo ang 364 housing units sa Anilao, Iloilo at 866 housing units sa Pres. Roxas, Capiz sa pangu­nguna ng National Housing Authority (NHA) Region 6.

Pinasasalamatan natin ang NHA at LGUs na katuwang natin sa pagpapatupad ng proyekto sapagkat pormal nang nai-turnover ang natu­rang mga pabahay sa mga naging biktima ng bagyo.

Tamang-tama ang pamamahagi ng mga pabahay dahil mapapakinabangan na ito ng mga residente laban sa anumang sungit ng panahon, lalo na sa iba’t ibang lugar sa Visayas at Luzon na kasalukuyang apek­tado ng bagyong ‘Tisoy’.

Pagkatapos ng anim na taon matapos manalanta ng bagyong ‘Yolanda’, nakalipat na sa resettlement site ang karamihan sa mga nakaligtas sa naturang delubyo kung saan maninirahan na ang mga ito sa matibay at disaster resilient na pabahay.

Laging handa ang gobyerno na makinig sa mga daing ng mga biktima ng kalamidad hinggil sa ilang mga problema at kakula­ngan sa relocation site kung kaya pinagsusumikapan nating malagyan ng kumpletong pasilidad ang mga ito gaya ng health center, eskuwelahan at iba pang pangunahing kailangan sa isang komunidad.

Ang ating pamahalaan ay nagkaloob din ng mga sustainable livelihood program upang may mapagkukunan ng ikabubuhay sa araw-araw ang mga naninirahan dito.
Nais ng kasaluku­yang administrasyon na masolusyunan ang lahat ng mga hinaing ng mga nakatira sa Yolanda relocation site kung kaya naglalaan ang gobyerno ng pondo para sa programang pangkabuhayan at nakikipag-ugnayan din tayo sa ilang pribadong kompanya para hikayatin ang mga ito na magtayo ng mga establisimyentong pang-komersyo malapit sa housing sites – isang paraan upang makapag-generate tayo ng maraming trabaho.

Binibigyang kredito natin ang mga ahensiya ng gobyerno at iba pang stakeholders na naging katuwang ng Inter-Agency Task Force-Yolanda na nagbigay ng suporta sa proyekto gayundin sa mga benepisyaryo na hindi bumitaw sa hamon ng buhay at nagpakita ng tapang para sa muling pagbangon.
Karamihan o halos lahat ng Yolanda housing ay matatapos na nga­yong Disyembre kaya matutupad na natin ang ating pinangako sa Pa­ngulo na sa taong 2020 ay maipamamahagi na lahat ng housing units sa mga biktima.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy