Una sa Balita

Sixers nagpalakas kay Harris, Butler

By
0 526

Sa final 24 hours bago ang trade deadline noong Pebrero 7, higit 10 palitan ang nakumpleto.

Karamihan sa Easter­n Conference na ‘open’ sapul nang tumawid sa West si LeBron James.

Wala nang dominanteng team — at player — sa East, kanya-kanyang palakas para humabol sa top 4 pagpasok ng playoffs.
Si wingman Tobias Harris, hinabol ng Philadelphia mula Los Angeles Clippers.

Kaagahan pa lang ng season, paramdam na agad ang 76ers na all-in sila ngayon. Una nilang sinalo si Jimmy Butler mula Minnesota Timberwolves.

Pagkatapos makuha si Harris, binitawan ng Sixers ang 2017 top pick nilang si Markelle Fultz kapalit ni Jonathan Simmons mula Orlando Magic.

Maangas na ang starting lineup ng Philadelphia kina Ben Simmons, JJ Redick, Butler, Harris at Joel Embiid.
Idinagdag ng Sixers sina forward James Ennis mula Houston Rocket­s at ang mga kasama sa Harris trade na sina Mike Scott at 7-foot-3 Serbian Boban Marjanovic.

Pagkatapos ng trade, nasa rotation na agad ng Sixers si Scott kinabukasan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More