Una sa Balita

#Sistergoals pa rin Toni, Alex away-bati

0 259

Ni: Rose Garcia

Sisters goal ang tingin sa magkapatid na Toni at Alex Gonzaga. Mas maraming opposite na mga katangian sila kesa similarities, pero kung meron man sigurong dahilan kung bakit nagki-click at bilang magkapatid ay talagang mararamdaman ang “wagas” na pagmamahal nila sa isa’t isa, ito ay ang pagiging magkaiba nga nila sa maraming bagay.

Nang minsang matanong nga sina Toni at Alex kung nangyari na raw ba na pareho silang may nagustuhang lalaki at pinag-awayan, mabilis itong sinagot ni Alex nang, “Wala pa! Hindi kami pareho ng taste sa lalaki. Buti na lang, hahaha!”

Mas seryoso si Toni, makulit naman si Alex.

At sa kabila ng mga madalas na pambubuko, laglagan nila sa isa’t isa, may napagkasunduan daw sila na kahit anong mangyari, hindi nila ibubulgar ang mga dahilan na nag-away sila at nasaktan nila nang husto ang damdamin ng isa’t isa.
“‘Yung mga away naman namin, mga normal na away ng magkapatid na kaya namang maresolbahan,” sabi ni Toni.

—-

Persona non grata sa Parañaque ‘di totoo

Sa isang banda, hindi man tumakbo isa man sa kanila sa politika ngayong nakaraang eleksyon, pero nag-ingay rin ang pangalan ng magkapatid.

Naging isyu ang pagbibigay raw ng komento ni Alex sa Mayor ng Parañaque.

Na kesyo persona non grata na siya sa lungsod. Pero ayon kay Toni, inaayos na raw ito ng kapatid privately.

Sabi pa niya, magiging aral daw sa kapatid ang nangyari lalo na’t kilala si Alex sa humor nito sa pagbibigay ng mga candid remarks.

“She will move on from this. ‘Yung babaunin niya dito ‘yung lesson na natutunan niya. Si Alex, she’s taking everything one day at a time, and she’s maturing from every challenge na pinagdadaanan niya.

“Iyon siguro ang maganda rito sa nangyari. She knows when she falls down, and when she commits a mistake, she owns up to it, and she moves on and she learns.”

Pinabulaanan naman ni Parañaque Administrator Ding Soriano ang isyu. Wala umanong resolution to declare her as such, dahil nauunawaan nilang parte lang ito ng “politicking.”

—-

Tuloy ang ligaya sa ‘Home Sweetie Home’

Pinakamasaya si Toni at hindi nito naitago sa ginanap na media conference ng “Home Sweetie Home Extra Sweet” na sa pagre-reformat ng pinagbibidahang sitcom tuwing Sabado ng gabi ay makakasama na niya ang kapatid na si Alex.

“Honestly, ako ang h­uling nakaalam sa mga cast na darating. ‘Yung last taping namin, hindi ko alam na ‘yun na pala ‘yun. Nagulat na lang din ako.

“Noong tinext ako na kakausapin ko, prinepare ko pa ang sarili ko na, ‘ah, eto na ‘yun, tapos na kami. Magpapaalam na kami. Tapos na ang buong run ng prog-rama.”

Hindi raw talaga siya makapaniwala na kasama na niya si Alex.

“Inisip ko pa nga, siguro hindi maa-approve si Alex. Tapos sinabi, approved siya. ‘Ha?! Talaga, tuloy siya?’ Tapos sinabi na si Vhong (Navarro), si Luis (Manzano), si Kuya Yani (B­ayani Agbayani), sila Tita Rio Locsin.

Fumiya. Nagulat ako talaga, natuwa, na-excite dahil bagong mukha ng programa ang makikita.

—-

Dumaan sa matinding kahirapan

Mala-mansion na bahay sa Taytay, iba’t ibang investments at mga n­egosyo, branded clothes and bags, tra-veling in style – pero ang lahat daw ng ito ay hindi naihain o nakagisnan ng magkapatid na Toni at Alex.

Sa panayam sa kanila, naikuwento pareho nina Toni at Alex ang mga struggle at challenge lalo na pagdating sa pinansyal ng pamilya nila noong mga bata pa lang sila. Na kahit ang simpleng pagkain lang sa isang restaurant sa may Sta. Lucia, Cainta ay big deal na sa mga magulang noon.

“Parang naiisip ko lang, isang meal lang namin noon, saktong-sakto. Tapos, hindi kami makakaing apat sa isang resto.”

Sa kanilang dalawa raw na magkapatid, mas sensitive si Alex kapag naaalala ang struggle nilang pamilya noong araw.

“Sensitive talaga ko. Kasi, kapag naaalala ko ‘yung struggle na-ming family. Naaawa kasi ako nu’ng time na ‘yun.”

Si Alex daw ang tagasumbong kay Toni na ang Mommy nila, nagbenta ng gamit nila noon. Ang Daddy niya, tumaya sa sweepstakes.

Bilang panganay, naging motivation daw ni Toni ang struggles ng mga magulang pagdating sa financial kaya mas naging masigasig naman siya na mag-attend ng mga audition.

“Tuwing sinasabi sa akin ni Alex ‘yun, naging motivation ko. Hindi ako umiiyak noon. Sabi ko sa sarili ko, hindi na magbebenta ang mommy… Kaya laging audition ulit, audition ulit, lagi akong ganu’n. Kaya si Mommy Pinty ang manager ko, walang gustong mag-manage sa akin. Pero du’n ako nagpasalamat kay Mommy Pinty, she was the only person that I needed. Kahit walang naniniwala sa akin, naniniwala ‘yung mommy ko na kaya ko.”

—-

Magkaribal sa vlogging

Bukod sa pagiging aktres, singe­r at host, pinasok na nga ng magkapatid ang social media at parehong mga vloggers na ng kanilang mga sariling YouTube channe­l.

May original content sila ng kanya-kanyang vlog nila at pareho rin sila na may ilang daang subscriber.

Sa kanilang dalawa, si Alex ang ‘di hamak na naunang maging YouTuber. Kaya iniintriga rin ang magkapatid na nati-threaten daw si Alex na may sarili na ring YT si Toni.

Sinagot naman ito ni Alex ng, “No, ang tagal ko na siyang ini-influence. Pero one day, sinabi niya, Catherine, magba-vlog ako, may naisip na akong concept.”

Kapag pinanood naman ngang ta-laga ang parehong vlog nila, makikita talaga ang malaking kaibahan nito at similaridad din sa totoong perso-nalidad nila.

Ang girlfriend daw ng kapatid ni Direk Paul Soriano ang nag-encourage kay Alex na maipakita ang sariling identity niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy