Una sa Balita

Sister Fox dumating na sa Australia

0 302
 
 
DUMATING na sa Australia nitong Linggo ang misyonaryong si Sister Patricia Fox matapos itong mapilitang lumayas ng Pilipinas dahil sa napasong visa.
 
Pagdating niya sa Melbourne ay agad naman itong bumanat kay Pangulong Rodrigo Duterte, lalo na ang ginagawang paglabag sa karapatang pantao ng war on drugs ng administrasyon.
 
Higit tatlong dekada rin na namalagi sa Pilipinas si Fox hanggang sa ipag-utos ang deportasyon nito dahil sa pagsali sa mga kilos protesta laban sa administrasyon.
 
Lumahok ang 71-anyos na misyonaryo sa fact-finding mission noong Abril upang imbestigahan ang diumano’y paglabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka at pagpatay sa kanila ng mga sundalong nakikipaglaban sa mga rebeldeng komunista.