Una sa Balita

Sison bahala sa sarili ‘pag inaresto sa biyahe – Palasyo

By
0 1,450

Bahala na umanong dumiskarte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kung paano makabalik sa bansa nang hindi maaresto habang nasa biyahe.

Si Sison ay nasa listahan ng Amerika bilang financier ng terorismo at posibleng arestuhin habang ito ay nasa eroplano pabalik ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi gagalawin si Sison habang nasa bansa ngunit hindi aniya kontrolado ng gobyerno ang sitwasyon sa labas ng Pilipinas.

Bahala na aniya si Sison na mag-isip ng paraan para hindi maaresto habang ito ay bumibiyahe pabalik ng Pilipinas.
“It’s up to him. Perhaps he should take Philippine Airlines. That’s the only way. I am not promoting Phi­lippine Airlines incidentally,” dagdag pa ni Roque.

Si Sison ay inimbitahan ni Duterte na umuwi ng Pilipinas para dumalo sa peace talks na gagawin sa bansa, kasabay ang pagtiyak na hindi ito aarestuhin habang nasa Pilipinas.

Sinabi pa ni Roque na huling tsansa na para sa kilusang komunista ang ibinigay na 60 araw ni Pangulong Duterte para humarap sa negosasyon at ituloy ang usapang pangkapayapaan.

“Eh talagang last chance na po ito. Narinig naman natin iyong sinabi ni Mayor Inday Sara tungkol dito sa peace talks na malapit din sa damdamin ni Presidente. Pero bilang isang Presidente, nangako siya sa isang legacy ng kapayapaan bagama’t alam na niya na talaBahala na umanong dumiskarte si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Maria Sison kung paano makabalik sa bansa nang hindi maaresto habang nasa biyahe.gang hindi naman talaga dapat pagkatiwalaan nang todo ang NPA,” ani Roque.