Una sa Balita

Sising-sisi sa pagsuporta: Angel Locsin, napa-‘eww’ diring-diri kay Koko Pimentel

0 884

Nandiri at halos hindi masikmura ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang litrato nila ni Sen. Koko Pimentel III nang i-post ito ng isang netizen sa social media.

Balitang-balita kasi ngayon ang walang habas umano na pagpasok ng senador sa Makati Medical Center para samahan ang manganganak niyang asawa sa ospital sa kabila ng pagiging positibo sa COVID-19.

Kaya itong si Angel, diring-diri nang balikan siya ng mga netizen sa pag-endorso niya kay Sen. Koko noong 2007 elections at itinuring itong “mortal sin.”

“Mortal sin. Patawarin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko,” paliwanag ni Angel.

Dahil dito, mas marami ang humanga kay Angel at may mga nagsabi pang bagay siyang pumasok sa politika.

Gaya ni Angel, maraming Kapamilya star rin ang may kanya-kanyang relief operations para sa mga nangangailangan. Nag-abot ng tulong ang millennial Darna na si Jane De Leon sa senior citizens ng Cainta, Rizal kung saan nagbigay siya ng relief packages sa isang barangay.

Naging abala rin si Alex Gonzaga sa pagbabalot ng relief packages kasama ang kanyang mga magulang na ipinakita niya sa isang vlog.

Nagpaabot naman si Vice Ganda ng boxes ng supplies para sa frontliners gaya ng masks, disinfectant sprays, at safety goggles. Nag-release din ang unkabogable star ng bagong single na may pamagat na “Corona Bye Bye Na” na may lyrics tungkol sa mga paraan paano maiiwasang magkaroon ng COVID-19.

In fairness ha, kitang-kita ang kagustuhang tumulong ng Kapamilya stars para sa mga kababayan nating hirap dahil sa krisis na ito. Nakakabilib din ang kanilang home network na ABS-CBN, dahil may paandar itong kampanya na “Pantawid ng Pag-ibig” na nakalikom na ng halos P257 milyon.

Kaya sa mga nakakaluwag-luwag, sana makapaglaan din tayo ng oras para makatulong dahil sa panahon ng krisis na ito, marami ang lubos na ngangailangan. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More