Una sa Balita

‘Sisikapin kong magka-lovelife’ – Kris Aquino

Dahil sa Ever Bilena

By
0 1,489

Nasa Japan ngayon si Kris Aquino, kasama sina Josh at Bimby. Sa Japan nga nag-request si Josh na mag-celebrate ng birthday, kaya go agad si Krissy.

Pero ang bongga nga ni Kris dahil bago siya umalis ay inilunsad muna ang collaboration niya with Ever Bilena.

“Tomorrow June 1, 2018 #krislifekit from the number 1 Philippine cosmetic company @everbilenaofficialavailable online via @lazadaph & @beautymnl for nationwide delivery!” sabi ni Kris bago siya lumarga pa-Japan.

“All over NCR, being stocked in @smbeautyph, @robinsonsdepartmentstore, @thesmstore, and Waltermart. Promising you #love #life c/o my Matte Matic Lipstick (sisikapin ko na pati ako jumoin magka #lovelife) & #kilayislife brow liner & mascara #happytaupe & #beyondbrown THANK YOU Boss @dioceldosy & @denicesy & my EB Family for the 100% SUPPORT!!!” sey pa ni Kris.

Meryll kinampihan ang mister na rapist

Ibinahagi ni Meryll Soriano sa Tonight with Boy Abunda ang kasiyahang makatrabaho muli si Judy Ann Santos-Agoncillo sa teleserye na Starla.

“I’m very excited to work with her (Judy Ann) because the last time I worked with her was in ‘Ploning’ and that was ten years ago,” kuwento niya.

Bukod kay Juday, ikinagagalak niya maging parteng muli ng isang obra mula sa Dreamscape matapos mapabilang sa hit action serye na La Luna Sangre ng Star Creatives.

“I shot my first taping day last week and super excited ang lahat. I’m so excited to be back with my Dreamscape family, and do a family-oriented TV show,” saad ni Meryll.

Gaganap siya sa nasabing serye bilang isang nanay sa batang may sakit at makakasama rin niya ang itinuturing niyang best actor ng industriya na si Joel Torre.

Ngunit bago pa man siya mapanood sa serye, bibida muna si Meryll Soriano bilang si Marie, isang inang pinagtakpan ang ginawang pangagahasa ng kanyang asawa, sa unang handog ng Ipaglaban Mo para sa ikaapat nitong aniberseryo ngayong Sabado (Hunyo 2).

34 macho, guwapo bakbakan sa Mister Grand PH

Sina Miss World Philippines 2017 Laura Lehman, Miss Earth 2013 Angelee delos Reyes at Michael Bristol ang magho-host ngayong gabi sa Mister Grand Philippines 2018, na gaganapin sa Crossroad Center, Mother Ignacia Avenue, Diliman, Q.C.

Ang mga hurado ay sina Aaron Villena, Cynthia Thomalla, Johnvic de Guzman, Albert Andrada, Arnold Vegafria, Lourd Ramos, Dr. Art Pascual, Dr. Charlie Mendez.

Sino kaya kina Michael Annerey Reyes, Romnick Lacuban, Kent Arjhon Pineda, Mark Lester Suarez, Clark Diether Bautista, Archangel Baldomar, Mark Paul Espelita, Asa Olat Agayo, John Immanuel Paule, Lord Kenneth Snell, Jan Marck Siago, Mark John Bagaporo, Arlo Gloria Bernardino, Abegail Feliciano, James Smith, Alfredo Godinez, Karl Louie Aragon, Prince Rahim Babar, Nhesley Fernandez, Kerr Cruz, Danes Roner Cruz, Kenneth Sadiang-Abay, Aljec Candalesa, Anthony Bracero, Kenneth Cabalida, JP Bosque, Jomel Ocampo, Johndel Nanalo, Bon Cuartero, David Simon Reyes, Emmanuel Dador, Jacob De Leon, French Petallu, Virtud Dagza ang mag-uuwi ng korona, at lalaban sa Mister Grand International sa September, 2018.

“Pipiliin din ngayong gabi ang magiging Mister Model of the World 2018 na ilalaban sa Myanmar sa August 2018 at Mister Tourism Ambassador International 2018 on October 2018,” sabi pa ng national director at president ng Mister Grand Philippines ay si Meg Perez.