Una sa Balita

Sisig bumihag sa Berlin

By
0 173

Binihag ng mga pagkaing Pinoy ang mga residente at mga dayuhang mamamahayag sa bansang Berlin partikular ang kilalang pulutan ng mga Filipino na sisig.

Inilunsad ng Philippine Embassy sa Berlin sa tahanan ni Philippine Ambassador Melita Sta. Maria-Thomeczek, ang ‘Flavours of the Philippines,’ na bahagi ng selebrasyon ng Independence Day ng Pilipinas.

Pinagkaguluhan at nagustuhan ng mga bisita ang sisig o crunchy pork bits na umuusok sa sizzling plate dahil sa kakaibang sarap nito.

Maliban dito, iba pang pagkaing Pinoy ang natikman ng mga bisita kabilang ang fishballs, inihaw na liempo, inihaw na manok, kinilaw na tuna, crispy chicken skin, at lumpia.

Gayundin, inihain ang main dishes na garlic rice, beef tapa, pansi, at ang sikat na pagkaing Pinoy na chicken adobo. Habang inihain din ang Filipino dessert na halo-halo, cassava cake, turon, at pinipig ice cream at ang sikat na Philippine mango.

Masayang-masaya ang nakatikim na pagkaing Pinoy na sina Ingrid Müller, editor-in-chief ng Berlin Tagesspiegel; Franz Michael Rohm ng Berliner Morgenpost’s Culinary Section; Diplomacy and Business Magazine Publisher; Frank Schüttig and Editor, Rainer Schubert; at ang Filipino Channel Germany correspondent, Ms. Grace Pickert.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy