Una sa Balita

Sisibaking cabinet secretary may kapalit na

0 492

May update ang ating bubwit tungkol sa cabinet member ni Pang. Duterte na on the way out na sa palasyo.

Ayon sa aking bubwit, ready na ang lider ng international ngo na pinupuntir-yang ipalit kay secretary na matagal nang napabalitang sisibakin ng presidente.

Tapos na ang termino ng ngo leader kaya maaari na siyang magpaistorbo sa presidente sa gusto nitong ipagawa sa kanya sa importanteng departamento.

Ayon sa bubwit, ang kontrobersyal na cabinet secretary ay September 2018 pa dapat sinibak sa pwesto pero naudlot dahil hindi pa pwede yun kapalit niya na naging cabinet secretary sa administrasyon ni dating Pang. Erap estrada.

Alam nyo ba ang isyu kaya tatanggalin ang cabinet secretary? Hindi dahil sa graft and corruption o unexplained wealth mga pare at mare. Ang isyu: inefficiency o kapalpakan. Wala raw kasing malinaw na direksyon ang departamento ni cabinet secretary at ang mga ginagawa nito ay kung ano lang ang maisipan o sabihin dito.

Ayon sa aking bubwit, matagal nang irita ang economic managers kay cabinet secretary lalo na raw kapag may pinag-uusapan sa cabinet meeting na importante ang departamento at natataong absent si secretary.

Ayon sa bubwit baka bago ang sona ng presidente ay sibakin na si cabinet secretary sa hawak nyang maselang departamento.

Pero baka raw i-recycle na lang si cabinet secretary at ilagay sa ibang posisyon na hindi secretary rank, baka sa mas mababang posisyon.

Ayon sa bubwit, ang papalit sa cabinet secretary na sikat na sirkulo ng ngos ay kinausap na ng economic managers.

Ang nasabing cabinet secretary, ay si sec m. As in minamalas yata si sec.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy