Una sa Balita

Sisi, UST unang sasakmal GAME!

0 229

Finals Game 1 ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:00pm — UST vs Ateneo

IPAPARAMDAN ni Most Valuable Player (MVP) Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses ang bangis ng mga tigre sa Game 1 ng best-of-three finals kontra Ateneo de Manila University (ADMU) Lady Eagles sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament Sabado sa Big Dome.

Magsisimula ang giyera ng UST volleybelles at Ateneo alas-kuwatro nang hapon.

Hindi man nakaisa sa eliminations ang Golden Tigresses laban sa Ateneo ay ipapamalas pa rin nito ang kanilang bagsik lalo pa’t niligwak nila ang defending champions DLSU Lady Spikers sa semifinals.

“Ang natutunan ko sa limang taon, sob­rang ‘yung hindi ka titigil sa pangarap mo. Walang susuko,” pahayag ni graduating hitter Rondina na kumayod ng 17 points sa huli nilang laban kontra DLSU.

“Sobrang sarap sa feeling na mayroon ka rin pa lang kasamang hindi rin tumiti­gil sa pangarap na gusto nila. Nag-connect kaming lahat and tatrabahuhin namin ito, kukunin namin. We will claim it.”

Bilib din si head coach Kungfu Reyes sa dedication at sacrifices ni Rondina para sa buong koponan ng USTe.

Bukod kay Rondina, asahan din na hahataw sa finals si super rookie Eya Laure, setter Alina Bicar, opposite spiker Ysa Jimenez, middle blockers Caitlyn Viray at Kecelyn Galdones at libero Rica Rivera upang tapatan ang malalakas na palo mula Ateneo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy