Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sisi, Pons target Tokyo Olympics

0 14

IBUBUHOS nina beach volleyball star Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons ang lahat ng kanilang makakaya upang makapaglaro sa darating na 2020 Tokyo Olympics na nausog ngayong Hulyo hanggang Agosto.

Kasalukuyang nasa Pagudpud, Ilocos Norte, puspusan ang paghahanda ng 2019 Southeast Asian Games bronze medalists para sa kanilang pagsabak sa Asian Volleyball Confederation (AVC) Continental Cup, isang qualifying event para sa Tokyo Olympics, ngayong buwan.

“Ang wish namin gabayan kami ni Lord sa mga journey namin dito sa AVC and siyempre huwag kaming pabayaan. Sa mga sumusuporta, gagawin po namin ang lahat and gusto din talaga namin makapag-Olympics. Sobrang taas ng level na ‘yun pero wala namang bayad sa pangarap. mangangarap na lang din kami ng mataas, napakataas, kaya laban Pilipinas!” litanya ni Rondina kay Dzi Gervacio sa “The Game” ng One Sports.

Related Posts

“Sobrang tagal din na hindi nakapag-court. Almost isang taon din kasi huli nung 2020 pa,” litanya ni Pons. “Dito, sobrang ganda pa nung ambiance tapos may dagat. Kahit sobrang pagod ‘yung ensayo parang kapag tinignan mo ‘yung paligid mo, parang mare-relax ka.”

Nakatakdang humambalos ang national team sa AVC Continental Cup sa Hunyo 18-27 sa Nakhon Phanom, Thailand. (JAToralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.