Una sa Balita

Sisi, Mika, Petron bawal kumurap

0 245

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
4:15pm — Foton vs PLDT
7:00pm — Petron vs Marinerang Pilipina

BAWAL kumurap!

Ayaw magkumpiyansa ni Petron Blaze Spikers head coach Shaq Delos Santos kaya naman ibabandera niya sina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina, Mika Reyes at Bernadeth Pons pagharap nila sa Marinerang Pilipina Skippers sa simula ng knockout quarterfinals ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Tumapos ng 13-1 ang Blaze Spikers sa 14-game double round robin kaya kaharap nila ang No. 8 na Skippers, magsisimula ang bakbakan sa alas-7 ng gabi.

“We can’t afford to be complacent because we’re already in the knockout stage. We have to prepare well against Marinerang Pilipina,” saad ni Delos Santos, “Being on top is a huge opportunity. So we have to take care of it by keeping our focus and not letting any distraction get into the way.”

Isang pagkakamali lang at magbabakasyon ang team na madadapa.

Bukod kina Rondina, Reyes at Pons, kakapitan din ni Delos Santos sina Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimaculangan at Denden Lazaro.

Ang mananalo sa Petron at Marinerang Pilipina ay makakatapat ang magwawagi sa pagitan ng Generika-Ayala Lifesavers at Cignal HD Spikers.
Ibabangga naman ng Skippers sina Dimdim Pacres, Judith Abil, Rhea Ramirez at Cesca Ramirez para makasilat sa Petron.

Hindi nakatikim ng panalo ang Marinera Pilipina sa 14 na salang sa preliminary round.

Samantala, magbabanatan sa alas-4:15 nang hapon ang Foton Tornadoes at PLDT Home Fibr Power Hitters. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy