Una sa Balita

Sisi, Eya ginawaran ng MVP, RoY award

0 320

OPISYAL nang tinanggap nina UST dynamic duo Sisi Rondina at Eya Laure ang Most Valuable Player (MVP) at Rookie of the Year awards bago ang Game 2 ng best-of-three finals sa pagitan ng Golden Tigresses at Ateneo Lady Eagles Miyerkoles sa MOA Arena.

“Unang-una po nagpapasa­lamat ako sa Panginoon na isa ako sa binigyan ng ganitong talento and sa lahat po ng bumubuo ng UAAP maraming-maraming salamat po,” pahayag ni Rondina, na kasama ang kanyang pamilya habang nagsasalita sa center court.

Bumida ang graduating at four-time beach volleyball champion at MVP sa nasabing most coveted individual plum sa nakuhang 259 points matapos ang elimination round.

Samantala, itinanghal si Laure bilang Rookie of the Year at 1st Best Hitter.

Nanguna si Laure na may 35.90 attack percentage at 230 points sa talaan ng torneo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy