Una sa Balita

Sisi, Blaze Spikers ayaw mabangasan

0 282

Team Standings:
W L
F2 Logistics 3 0
Petron 1 0
Generika-Ayala 2 1
PLDT 1 1
Foton 1 2
Sta. Lucia 1 2
Marinera 0 3
Cignal 0 0

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — PLDT vs Marinera
4:15pm — Sta. Lucia vs Cignal
7:00pm — Petron vs Foton

NAIS ng Petron Blaze Spikers na manatiling malinis ang karta pagharap sa Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Huhugot ng puwersa si Blaze Spikers head coach Shaq Delos Santos kina veteran Aiza Maizo-Pontillas, Mika Reyes at Cherry Ann Rondina upang makuha ang pangalawang sunod na panalo.

Pero aminado si Delos Santos na hindi magiging madali para sa kanila na makuha ang panalo kahit galing sa talo ang Tornadoes.

“They are still contenders, a powerhouse team that has tall players. We cannot let our guards down,” saad ni Delos Santos.

Ayon kay Delos Santos, nadagdagan ang kumpiyansa ang kanyang mga bataan matapos nilang kalusin ang Marinerang Pilipina sa kanilang unang laban.
Para sa Foton, kakapitan nila ang magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat kasama sina Elaine Kasilag at Jen Reyes para makabangon agad sa pagkakadapa.

Samantala, magtatapat sa alas-2 nang hapon ang PLDT at Marinerang Pilipina habang magkakaldagan ang Sta. Lucia at Cignal sa alas-4:15 nang hapon. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy