Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sis ni Usec Vergeire bagong SC justice

0 109

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Supreme Court (SC) Justice si Court of Appeals Justice Maria Filomena Singh, kapalit ng nagretirong si Senior Associate Justice Estela Perlas-Bernabe noong Mayo 14.

Nabatid na si Singh ay kapatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Sa ilalim ng SC si Singh ay nakapagtrabaho na sa iba’t ibang komite, kabilang na ang committees on revision of rules, pag-update ng Philippine benchbook para sa trial court judges at e-courts automation project. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.