Una sa Balita

Sirena sa swimming pool

0 288

Mga ka-Misteryo, nakakita na ba kayo ng sirena? Kadalasan nakikita ang sirena sa tabing dagat at mga ilog pero kakaiba ang kuwentong karanasan ni Leny, naispatan niya ang sirena sa swimming pool.

‘Yan ang ating paksa ngayon: ‘Basta may Misteryo, alamin ang totoo!’
Nagkayayaan na mag-swimming sa isang condominium community sa Mandaluyong si Leny at kanyang mga kaibigan. Tulad ng nakagawian nilang magkakaibigan ay mag-o-overnight na sila sa condo unit ng kanilang kaibigan hanggang kinabukasan.

Biyernes pa lang ng gabi ay hindi na sila nakatiis at nagkayayaang mag-night swimming matapos makapaghapunan.

Tatlumpung minuto na silang nagtatampisaw sa tubig nang may mapansin si Leny sa kabilang dulo ng swimming pool. May hugis babae siyang naaaninag pero parang tubig din. Noong una ay binalewala lamang niya ang nakita, baka malikmata lang niya pero kita niya pa rin ito habang abala ang kanyang mga kaibigan sa swimming.

Inusisa ng #TeamMisteryo si Leny sa kanyang nakitang sirena.

Team Misteryo: “Paano mo nasabi na sirena ang nakita mo? Baka multo lang ‘yun ng namatay sa lugar o ‘di kaya ay ligaw na kaluluwa na nasa tubig?”
Leny: “Nakakakita na rin ako ng multo o ligaw na kaluluwa pero iba itong nasa swimming pool. Para siyang tubig na may hugis at mabilis lumangoy at may hugis buntot ng isda at alam kong babae siya sa hugis ng kanyang buhok.

Team Misteryo: “Anong ginawa mo? Nilapitan mo ba? Sinubok mo bang kausapin?
Leny: “Negative…hindi eh, mukhang mailap siya hindi malapitan.

Team Misteryo: “So ano nang ginawa mo? Sinabi mo ba sa mga kaibigan mo?”
Leny: “Hindi ko sinabi kasi hindi rin naman sila maniniwala. Sinubok kong kunan ng picture, wala hindi nakunan.”

Isa lamang si Leny sa mga taong nakakita ng mga elemento ng tubig o mga sirena. Ang mga sirena at siyokoy ay bibihirang makita pero mag-ingat sa kanilang imbitasyon na sumama sa kanilang kaharian.

***
Para sa mga kuwentong karanasan ng kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy