‘SIRENA’ MOVIE NINA ELMO-JANELLA, INAABANGAN NA!!

By

Nagsimula na ang shooting nina Vhong Navarro at Lovi Poe sa reunion movie nila sa Regal na Woke Up Like This.

For a change, ­magpapatawa naman si Lovi na mas kilala bilang dramatic actress.

Huling nagsama ang dalawa sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll XVI na dinirek ni Chito Roño.

Nu’ng Sunday, nagkaroon naman ng story conference sa gagawing ­movie nina Janella Salvador at Elmo Magalona na ila-line produce ng IdeaFirstCompany nina Jun Lana at Perci Intalana.

My Fairy Tail Love Story ang title ng first team up sa big screen nina Janella at Elmo. Sirena yata si Janella sa movie na ito, na mai-in love kay Elmo.

Matatandaang sina Jun at Perci rin ang nasa likod ng pelikulang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros na nanguna sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Anyway, after Northern Lights, magbabalik sa Regal bilang bidang-bida ang Box-office Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa My Mighty Yaya.

Congrats nga pala kay Ai Ai, na wagi na best actress sa New York Queens Film Festival.


SHARE