Una sa Balita

Sirang kalye winawasak

0 405

Kung ang MMDA ay todo kilos sa pagresolba sa lumalalang trapiko sa Metro Manila, may ilan naman ang gumagawa ng pagsisikip ng kalye.

Katulad na lamang ng panibagong pagbabakbak ng kalye na ginagawa ngayon sa ilang bahagi ng Quirino Highway sa Quezon City partikular bago sumapit ng traffic lights sa may Zabarte Road.

Nakapagtataka kasi ang ginagawang pagbabakbak ng kinomis­yong contractor sa nasabing kalye dahil matino naman ito.

Maliban sa maayos naman ang kalsada ay kagagawa lamang ng ilang bahagi nito ngayong taon lamang.

Kaya ang tanong natin, ano ba ang pa­nuntunang ipinaiiral ng DPWH at LGU sa ginagawang pagkukumpuni ng mga kalsada?

Sa ating obserbasyon hindi naman ito proyekyo ng public utility service dahil walang nakapaskil na karatula.

Nakakagigil kasi ang nilikha nitong trapiko sa mga motorista.

Isipin n’yo namang ini-enjoy na ng ating mga kababayan ang maayos na daloy ng trapiko sa EDSA dahil sa mga pagbabagong ipinatupad pero pagdating sa ilang lugar ay bubulagain ka naman ng trapiko dahil sa pagbakbak sa matitinong kalye.

Related Posts

Sana ay matigil ang ganitong klaseng proyekto dahil napaka-unfair sa mga lugar na hindi pa nakakatikim ng kalsada.

***

Maiba naman tayo ng isyu.

Ito ay ang bagong sistema umano ng korapsyon ang nabubuo sa Kamara na posib­leng maghunos bilang “bagong Napoles scam”.

Inobasyon ito ng tradisyunal na pork barrel scheme kung saan kinokontrol umano ngayon ng isang retiradong director.

Katuwang umano ng retiradong director ang inirekomenda niyang pamangkin para makontrol ang badyet na nakalaan sa PDAF at DPWH.

Pabalik-balik umano sa ibang bansa ang magtiyahin kung saan isinasama sila ng mga kongresista sa mga official travel bukod pa ang pambihirang lifestyle.

Naku, ayaw ni Pa­ngulong Duterte ng ganyang istilo kaya dapat ay mabantayan kung sinoman ang mga ito dahil tiyak na korap­syon ang direksyon nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy