Una sa Balita

Sirang daan sa Paco, Maynila tinambakan ng basura

0 395

Dear Editor,

Meron sirang daan malapit sa aming bahay na tinatambakan ng basura. Mahirap din itong daanan dahil sa butas-butas ang kalsada at mas lalo itong mahirap daanan kapag umulan dahil sa putik at baha na dinudulot nito.

Para makatawid ang mga tao, kailangan pa gumawa ng rampa na gawa sa kahoy para hindi mabasa ang mga paa, lalo na kapag may pasok sa opisina o sa eskuwela.
Pinagkakakitaan din itong pagdaan sa rampa dahil nanghihingi sila ng barya.

Dapat sana ay maaksyunan na ito ng gobyerno dahil sa perwisyo na nga ito, kailangan pa naming magbayad para lang makadaan.

Delikado din ito lalo na sa mga dadaan na hindi kabisado ang kalsada dahil maaari silang mai-stuck sa malalaking butas lalo na kapag may baha. Mangilan-ngilan na rin ang disgrasya rito lalo na ang mga naka-motor. Matagal na naming itong nirereklamo sana ay maaksyunan na.

Sumasainyo,
Julian
Paco, Manila

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy