Una sa Balita

Sir Juan at ang hatol ng bayan

0 293

Ayon sa mga dalubhasa walang pure substance sa universe. Wala. Lahat may halo. Contaminants. Incursions. May nadapo. Ganu’n. Pero walang puro. 

Ngunit sa tinagal-tagal ng kuwentong Dilaw, mula 1983 and earlier, tila nakalimutan nila ito. Parang mga batang nililibang ng fairy tales, mabenta ang Good versus Evil na narrative. Good si Cory, Evil si Marcos.

Lahat ng kasamahan ni Cory, nabansagang mga “knights” at si Cory ang Reyna Immaculada. Ni hindi nga lokal na mitolohiya ang ginamit. Arthurian legend pa na galing Inglatera.

Tila bunga ng utak at imahinasyon ni Teddy Boy Locsin ang pagsasalin, but you get the drift.

Sosyal sila. Ni hindi kuwento ni Lola Basyang o ni Juan Tamad o Bernardo Carpio o Urduja. Kasi sa mga lokal na kuwento, hindi perfect ang mga bida.

May kahinaan. Tamad. Tanga. Mainitin ang ulo. Sa knights of the round table, may Lancelot nga pero ang pinakamaga­ling sa kanila, si Galahad. Purong-puro. 

Nalalayo tayo. Enter, Rodrigo Duterte. Bugoy na bastos ang bu­nganga. Pero dalisay ang hangarin. Identify agad ang masa. Kami ‘yan. Maginoo pero med­yo bastos.

Minsan hindi med­yo. Balahura­ na nga eh. Pero malinis ang ha­ngarin, may puso sa mahirap. Walang tagabitbit ng ashtray at Coke. Pumapatay ng kriminal. Oo, patay. Aanhin natin ang buhay na dambuhala? Gera ito, gurl. ‘Di puwede ang mahina ang sikmura.

Hindi natututo ang iilang natitira sa hukbong dilaw. Pinipilit pa rin nila ang “knights” nila. Disente pa rin. At tila, bingi sa hinaing ng taong bayan. 

Tingnan natin ang hatol. May nakikinig pa ba sa kuwentong walang resonance sa taong bayang matagal na masyadong hini­ngan ng pasensya?

Hindi na nakakaisip ng knights ang matagal nang nagtiis. Aanhin ang malinis, kung takot sa laban. Kaila­ngan na rin natin ng janitor, hindi senyorito. ‘Yung wil­ling ma­dungisan dahil sa dami ng aayusin. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy