Una sa Balita

Sipsip kay Duterte nagkalat sa Kongreso – Ping

0 1,687

Pinasaringan ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ang mambabatas na sipsip kay Pangulong ­Rodrigo Duterte.

Sa kanyang tweet, sinabi ni Lacson na ang worst enemies o matin­ding kaaway ng Pangulo ang mismong opisyal na isinisiksik ang sarili sa administrasyon.

Sila anya ang mga walang kapabilidad at kakayahan na banatan o i-criticize ang mga hakbang ng Pangulo o mismong ang lider ng bansa.

Binigyang-diin din ni Lacson na ang mga ito ay masaya na sa labis-labis na pagpupuri sa kanilang mga sarili.

Marami rin anya sa mga ito ay matatagpuan sa Kongreso at katunayan ang iba anya ay pinanumpa pa mismo ng Pangulo sa kanyang tanggapan.

“Mr. President, your worst enemies are those who have ingratiated themselves with your administration. None of them will criticize you. They are too happy with self-aggrandizement. Many are in Congress. Others, you’ve sworn into office,” saad sa tweet ni Lacson.