Una sa Balita

‘SiPons’ mananalasa sa Cagayan de Oro

0 267

Team Standings:
Petron 12 1
F2 Logistics 11 1
Generika-Ayala 8 6
Foton 7 5
Cignal 7 6
PLDT 5 8
Sta. Lucia 2 12
Marinerang Pilipina 0 13

Mga Laro Ngayon:
(Corpus Christi Gym/Cagayan De Oro)
4:00pm — PLDT vs F2 Logistics
6:00pm — Foton vs Petron

MALAKI ang inambag nina Cherry Ann ‘Sisi’ Rondina at Bernadeth Pons sa Petron Blaze Spikers nang bawian nila ang powerhouse F2 Logistics Cargo Movers Huwebes ng gabi.

Kaya muling huhugot ng puwersa si Petron coach Shaq Delos Santos kina Sisi at Pons o ‘SiPons’ pagharap nila sa tigasin ding Foton Tornadoes sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Corpus Christi Gym sa Cagayan De Oro.

Nais ng Blaze Spikers na makuha ang panalo sa kanilang huling laro sa preliminary round upang bitbitin ang momentum sa susunod na phase.

Galing sa dikdikang laban ang Petron, dinungisan nila ang malinis na karta ng Cargo Movers, 26-28, 27-29, 25-19, 25-20, 15-6.

Magsisimula ang kanilang banatan laban sa Tornadoes sa ala-6:00 ng gabi.

Sasampa sa tuktok ang Petron kapag tinalo nila ang Foton at makakalaban nila ang walang panalong Marinerang Pilipina Skippers sa sudden-death quarterfinal showdown.

“The whole team is inspired and we will deliver our best here in Cagayan de Oro City because a lot of volleyball fans are watching,” saia ni Delos Santos. “Hopefully, we can continue our best so the fans will enjoy the game.”

Bukod kina ‘SiPons’, kakapit din si Delos Santos kina Mika Reyes, Aiza Maizo-Pontillas, Rhea Dimacu­langan, Ces Molina at Denden Lazaro.

Samantala, magkakaldagan sa alas-4:00 ng hapon ang F2 Logistics, (11-1) at PLDT Home Fibr Power Hitters, (5-8). (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy