Una sa Balita

SiPons binigwasan ang Thai tandem

0 355

martsa sa semis

SWAK sa semifinals sina PH 30th Southeast Asian Games 2019-bound Cherry Anne ‘Sisi’ Rondina-Bernadeth Pons, at Dij Rodriguez-Dzi Gervacio tapos kalusin ang magkahiway na mga katunggali sa 2019 Rebisco Beach Volleyball International Open quarterfinals Linggo sa Sands SM By The Bay sa Pasay City.

Pinagulong nina ­Rondina at Pons sina Kasim ­Bundit ­University-Thailand 1’s ­Pawarun Chanthawichai at Mukdao ­Suchamnong, 21-16, 21-12, ­habang tinalbos nina Rodriguez at ­Gervacio ang KBU Thailand 2 pair nina Paweena Wong-Aksorn at ­Duanpen Arsa, 21-14, 21-11.

Makakalaban nina Rondina at Pons, at Rodriguez at Gervacio ang mga internationl teams na kasali sa Last Four women’s division sa event na huling bahagi ng preparasyon nila para sa SEA Games sa bansa na susulong sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pinagbag nina Hong Kong duo Yeung Wai Yan at Koo Yung Yung sina DM Demontaño at Jackie ­Estoquia ng Sta. Lucia, 21-14, 21-15, habang pinayuko nina Renei Ursem at Olivia Macdonald ng New Zealand ang mga Pinays na sina Mer Jauculan at Gen Eslapor, 21-17, 10-21, 15-12.

Katapat nina Rondina at Pons sina Yan at Yung habang toka kina Rodriguez atGervacio sina Ursem at Macdonald.

Sa men’s Last Eight, sinipa nina national players Edmar Bonono at Jude Garcia sina Hong Kong 1’s spikers Kenneth Yun at Matthew Wang, 21-10, 21-16, upang sumampa sa semis.

Sina former UAAP champions KR Guzman at Jaron ­Requinton ay binigo naman sina Krung Arbasto at James Buytrago, 21-18, 14-21, 15-7 para i-ayos ang all-Filipino semis duel laban kina Bonono at Garcia. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy