Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinuway social distancing; bar sa Cebu yari

0 42

Pinatawag ni Cebu Mayor Edgardo Labella ang nangangasiwa sa isang bar sa Cebu City na dinagsa ng mga tao na walang suot na face mask.
Ayon kay Labella, sakaling mapatunayang nagkasala ang bar ay kanila itong parurusahan at posible pang mawalan ng business permit.
“I was told they were just outside because it is an open space. When it rained, nagsiksikan na sila sa loob para ‘di mabasa kaya ayun, na-violate ang mass gathering,” saad ni Labella sa panayam ng TeleRadyo.
Nangyari ang insidente noong Sabado, kung saan nilalakad na ni Mabolo Police Station chief PMaj. Renz Talosig na bawasan ang capacity ng bar, mula 250 ay gawing 150 katao na lang ang payagang makapasok.
Ayon kay Talosig, abot sa 200 katao ang naispatan sa bar na hindi nakasunod sa social distancing.
Nag-isyu na ang Business Permit and Licensing Office ng show-cause order para makapagpaliwanag ang management sa paglabag sa health protocol. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.