Una sa Balita

Sinuspindeng Camarines Norte gov balik-puwesto na

By
0 362

Nakatakda nang bumalik sa tungkulin anumang araw mula ngayon ang sinuspindeng gobernador ng Camarines Norte na si Edgardo Tallado.

Ito ay matapos katigan ng Court of Appeals (CA) Special 7th Division ang petition for review ng gobernador na nagbasura sa dismissal order ng Ombudsman laban sa kanya.

Ang utos ng Ombudsman ay may kina­laman sa kasong grave misconduct and abuse of authority na isinampa ni dating Camarines Norte Provincial veterinarian Edgardo Gonzales na kumukwestiyon sa kanyang “second re-assumption”.

Ayon sa appellate court, hindi grave misconduct kundi simple misconduct lamang ang nagawa ni Tallado at ito ay may katumbas lamang na isang buwan at isang araw hanggang 6-buwang suspensiyon.

“In fine, petitioner should only be held liable for simple misconduct. Simple misconduct is punishable under Section 46(D) (2) of the Revised Rules on Administrative Ca­ses in the Civil Service (RRACCS) with suspension of one month and one day to six months,” ang nakasaad sa desisyon ng CA.

At dahil hindi kaagad nakatalima si Tallado sa utos ng CA sa desisyon nito noong Mayo 12, 2016 ay isinagad ng appellate court sa anim na buwan ang suspensyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy