Una sa Balita

Sintunadong singer, patok na patok!

By
0 83

Agad na kinabaliwan at kinaaliwan ng sambayanan ang pinakabagong mystery music game show ng ABS-CBN na I Can See Your Voice, dahil bukod sa panalo ito sa ratings ay trending din ito sa Twitter worldwide.

Base sa datos ng Kantar Media, pumalo ang programang pinangungunahan ni Luis Manzano sa national TV rating na 19.5% noong Sabado (Sept. 16) kumpara sa kalabang programa nito na may 9.6% lang. Nanatili ring nakatutok ang mga Kapamilya pagsapit ng Linggo (Sept. 17) at nakatala ng national TV rating na 15.3%.

Hooked na hooked din agad ang netizens na nagpahayag naman ng kanilang saya at tuwa habang sabay na nakikipaghulaan kasama ang buong pamilya na nanonood ng I Can See Your Voice. Dahil sa pagdagsa ng positibong tweets kung kaya’t trending topic worldwide ang official hashtag ng show na #ICanSeeYourVoicePH.

“#ICanSeeYourVoicePH is fun. Lahat kami sa bahay nanghuhula!” sabi ni @TheNathanPerez.

“Sino ba kami ang nanlilinlang?! Hahahaha Kaloka bes!” tweet ni @kathfederico_.
“Great start. Ang saya lang ng show. Basta si Mr. @luckymanzano ang host, wapak. Plus the team SOCO, wapak times five,” sabi naman ni @wikotweets.

“Another show to watch every weekend. Puyatan na naman to! Haha Galing!” pagbabahagi ni @Mjoevilkean.

Maging ang guest stars na sina Gary Valenciano at Ogie Alcasid ay napa-tweet kung gaano nila na-enjoy ang maging bahagi ng programa.

“This show is crazy! I love it. Gusto kong mag-guest sa show na ito uli. You know tweeps? Grabe talaga sa studio ang tawanan naming #ICanSeeYourVoicePH,” sabi ni Gary na matagumpay na napili ang SEE-nger sa kanyang laro.

“Thanks for watching #ICanSeeYourVoicePH. Sorry mali ako ng napili. I enjoyed myself so much! Congrats @luckymanzano,” sabi naman ni Ogie na napili maka-duet ang isang SEE-ntunado.

Ang I Can See Your Voice ang pinakaunang Korean game format na ginawan ng Pinoy version ng ABS-CBN. Bawat episode, isang guest star ang makikipaghulaan kung sino sa anim na secret songers ang totoong SEE-nger at sino naman ang SEE-ntunado.
Para tulungan at gabayan siya ay makikigulo at magbibigay ng samu’t saring opinyon ang SING-vestigators na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray and Andrew E. (DS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy