Una sa Balita

Sintunadong opisyal pinanalo sa singing contest

By
0 463


NAPANINDIGAN ng isang opisyal ng gobyerno ang sinalihang singing contest dahil siya ang napiling winner sa ‘tawag ng tanggalan.’

Dahil holiday season, nagsimula na ang mga Christmas party sa mga ahensiya ng gobyerno pati na rin sa mga pribadong kompanya kaya naman hindi nagpahuli ang opisyal.

Sa kumalat na video nito sa social media, game na game sa pagkanta itong opisyal at kinarir ang birit nito na wala sa tono, halagang pang-banyo lang ang piyesang kanta ni madam pero dinala sa kasaya­han nila sa opisina at nakipagtagisan talaga ng talent sa kanyang mga tauhan.

At heto pa ang malupit, kanta ni Basil Valdez na “You” ang inawit ni madam kaya naman hirap na hirap bumirit ang lola.

Halos naikot na niya ang buong venue habang kumakanta habang hawak ang kodigo ng lyrics kaya naman ang mga staff ni ma­dam ay naiiling at napapayuko dahil nahihiya sa wala sa tonong kanta ni madam.

Dahil siya ang boss, natural na si madam ang pinagbigyang manalo kahit may mas magagaling sa kanya na kumanta marahil sa takot na mabawasan ang bonus.

Pintahan ny’o na: Ang opisyal ay maga­ling, matalino at malambot ang puso sa mga naaapi. Higit sa lahat, libre ang serbisyo nito lalo na sa mga mahihirap. Ang bansag sa kanya dati ay ‘mena queen’ pero level-up na ngayon kaya siya na si ‘gluta queen.’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy