Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinovac umaalingasaw sa tongpats – Ping

0 409

Nangangamoy ‘tong-pats’ ang lumulutang na presyo ng bakuna ng Sinovac sa Pilipinas, kumpara sa presyo nito sa ibang bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson kung ang pagbabatayan aniya ang $5 kada turok na presyo sa ibang mga bansang naunang nakipagtransaksiyon sa kompanya para masigurado ang suplay at sa $38 (mahigit P1,800) per dose na ibinabalitang presyo sa Pilipinas.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos iulat ng Bangkok Post na batay sa mga datos ng World Health Organization (WHO) at mga manufacturer na nagsasabing $5 lamang ang presyo ng bawa’t dose ng Sinovac.

Ayon sa senador, mababang-mababa ito kumpara sa naunang isinumite ng Department of Health (DOH) sa Senate Committee on Finance sa deliberasyon noong Nobyembre sa pambansang badyet na pumapatak sa P3,629.50 ang dalawang turok ng nabanggit na bakuna.

“The difference in prices of Sinovac vaccine at US$5, US$14 and US$38 reminds me of an old story about how corruption is committed in three Southeast Asian countries – UNDER the table, ON the table, and INCLUDING the table,” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter.

“Here, it may cost $38.50 (P1,847.25) per dose but is covered by a Confidentiality Disclosure Agreement,” dugtong pa nito.

Sa nakaraang pagdinig ng Senate Committee of the Whole vaccination plan ng gobyerno, napuna na rin ng mambabatas ang mistulang pagpili ng mga tagapagpatupad nito sa Sinovac, na maaaring maging dahilan ng haka-haka sa katiwalian.

Government to government (G2G) ang dapat umiral na transaksiyon, pero inamin ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na direkta siyang nakikipagnegosasyon sa opisyal ng Sinovac Biotech Ltd. na nakabase sa Hong Kong. Ang Sinovac ay isang pribadong kompanyang nakabase sa Beijing.

“May track record sila nanunuhol. Bakit doon tayo nagpupumilit makikipagusap?” sabi ni Lacson sa DWIZ nitong Sabado.

Una rito ay inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na P650 lang ang presyo ng Sinovac vaccine na kahalintulad ng presyo sa ibang bansa.

Pero kung totoo aniya na ibinaba ng gobyerno ang presyo ng Sinovac vaccine sa P650 mula sa dating P1,847.25, iginiit ni Lacson na ginawa ng Senado ang kanilang bahagi na iligtas ang bilyong pisong pondo para sa vaccination program ng gobyerno.

“Now If it’s true that government is now dropping the price of Sinovac vaccine from P1,847.25 per dose to only P650, the Senate has probably done our share to save our people billions of pesos in the country’s vaccination program. Netizens can pat themselves on the back,” ayon kay Lacson. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.