Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinovac nanalo na sa ‘Pinas – Lacson

0 200

May senyales na may “chosen one” na bakuna na ang pamahalaan laban sa COVID-19, sa kabila ng kawalan pa ng Emergency Use Authorization (EUA) sa kahit na anong kompanyang gumagawa nito, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

Sabi ng senador, ang binabanggit ng gobyerno na Sinovac lamang ang puwedeng magamit hanggang sa Hunyo ay nagpapatunay ng pagkakaroon na ng “chosen one” na bakuna.

“Can somebody explain why preference is given to the second most expensive vaccine, has lower efficacy, a record of suspended clinical trials and has not even applied for Emergency Use Authorization (EUA) over other vaccines that cost much less, more efficacious and are about to be granted their EUAs?” pahayag ni Lacson sa kanyang Twitter.

Sabi ni Lacson, mas makatuwiran umano para sa mga Pinoy kung ang pagtrato ng gobyerno sa Sinovac ay gagawin din sa mga bakuna ng ibang bansa na di-hamak na mas epektibo at mas mababa ang presyo.

“That said, the national government should expedite the procurement of all qualified and available vaccines. To borrow Secretary Harry Roque Jr.’s words, it should not be choosy in buying vaccines,” ayon kay Lacson.(Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.