Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinovac deal laway pa lang

0 183

Maaaring hindi pa rin matuloy ang pagbili ng gobyerno ng bakuna laban sa COVID-19 na gawa ng Chinese pharmaceutical firm Sinovac dahil hindi pa plantsado ang kasunduan at kailangan pa ng basbas ng mga vaccine expert panel.

Ito ang napag-alaman ng mga senador sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Committee of the Whole ukol sa COVID-19 vaccination program ng gobyerno.

Tinanong ni Senador Nancy Binay si vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. kaugnay ng negosasyon ng gobyerno sa Sinovac para sa suplay ng 25 milyong dose ng bakuna.

“Done deal na `yan? Walang atrasan? Tanong ni Binay kay Galvez na sinagot naman ng huli na, “No”.

Bago ito, tinanong muna ni Binay si Galvez kung bakit gumagastos ang gobyerno ng pera sa Sinovac vaccine gayong mas epektibo ang ibang bakuna at nakapag-apply na ng emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA).

Subalit nilinaw ni Galvez na hindi pa nababayaran ng national government ang Sinovac.

“Sa atin, ano pa lang po tayo, we are dealing with the term sheet considering we have to lock so we can already make production. So ngayon, wala pa po tayong binibigay,” sabi ni Galvez.

Muling tinanong ni Binay si Galvez na posibleng hindi pa rin bumibili ng Sinovac vaccine ang gobyerno na sinabi naman ng kalihim na, “Yes”.

Maging si National Task Force Against COVID-19 deputy chief implementer Vince Dizon ay sinabing kung hindi irerekomenda na mga vaccine expert panel ang Sinovac, posibleng hindi ito ang bilhin ng gobyerno.

“If the vaccine expert panel does not recommend a certain vaccine, then the Philippine government will not purchase and will not administer the vaccine. The choice of vaccine is heavily reliant on what the vaccine expert panel recommends,” paliwanag ni Dizon.

“Hihintaying po natin ang vaccine expert panel’s final recommendation based on Phase 3 clinical trials and the FDA’s issuance of the EUA,” sabi pa nito. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.