Sinopharm pumiyok sa smuggled vaccine

KINUMPIRMA ng presidente at CEO ng MKG Universal Drugs Trading Corporation, sole distributor ng Sinopharm vaccine na hindi madami ang mga pinuslit na bakuna sa bansa.
“Based on our initial investigation, ‘yong vaccine na dinala sa Pilipinas, hindi naman sobrang dami ‘yon,” ani Mark Tolentino sa isang panayam.
Basahin : Chinese expert: Sinopharm bakuna `di ligtas
“Kasi may nadala dito, based on our initial investigation, galing lang ‘yon sa clinical trials. Maybe pinakamarami na ‘yong 10, sabihin natin 20 vials. ‘Yon lang ang information na nakuha ko as of today,” dagdag pa niya.

Basahin : Lacson: Sinopharm, Pfizer dinribol! Duque bet mas mahal na Sinovac
Maaari aniyang nakuha ang ibang doses ng Sinopharm sa isinagawang mga clinical trial sa Abu Dhabi.
Basahin : Anak ni Gloria epal sa Sinopharm
Una nang tiniyak ng pamunuan ng MKG na walang iligal na distribusyon ng bakuna nila ang magaganap dito sa bansa. (Vienne Angeles)