Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sinopharm kasado 25M bakuna para sa ‘Pinas

0 80

Kinumpirma ng pharmaceutical giant na China Biotechnology Co. Ltd. na handa nang ipadala sa Pilipinas ang 25 million dose ng Sinopharm COVID-19 vaccines kapag naipalabas na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para magamit ito sa bansa.

Ayon sa abogadong si Mark Kristopher Tolentino, president at chief executive officer (CEO) ng MKG Universal Drugs Trading Corp at kinatawan ng China BIotech, kaya ng pharma company na magpadala sa bansa ng ganito karaming dose ng bakuna na sapat para sa buong populasyon ng Pilipinas.

“Sinopharm is China’s “best vaccine” against COVID-19 since it “is strongly recommended for both the young – three years old – and the old up to 100 years old, as well as for those with underlying diseases and comorbidities,” ani Tolentino.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ni Tolentino na nagsumite na ang kanilang kompanya ng aplikasyon para sa EUA sa FDA noong Enero at hinihintay na lang nila ang pag-apruba nito.

Dahil dito, kumbinsido si Tolentino na kapag aprubado na ng FDA at maipadala na sa bansa ang 25 milyong dose ng Sinophram vaccine, sasapat na ang supply nito at hindi na mahihirapan pang makipag-agawan sa ibang bansa ang Pilipinas para makabili ng bakuna kontra COVID-19. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.