Una sa Balita

Sinong may sabing laos? Pia leading lady ng K-Pop Super Junior

By
0 802

May “super exciting project” na gagawin si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach pero hindi pa raw niya puwedeng i-reveal ito ngayon.

Super busy ngayon si Pia sa kanyang weekly dance competition show na “World of Dance” at may gagampanan din siyang mahalagang papel sa grand homecoming ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Isama pa ang malapit na pag-unveil ng kanyang wax figure sa Madame Tussauds in Hong Kong.

Ang followers ni Pia sa social media ay may kanya-kanyang hula kung ano ang malaking project na gagawin ni Queen Pia. May nagsabi na baka ito raw ang matagal nang planong movie ni Pia kasama ang K-Pop group na Super Junior. Big fan si Pia ng Super Junior at nagkaroon siya ng pagkakataon na makilala ang grupo noong reigning Miss Universe pa siya.

Pero tikom pa rin ang bibig ni Pia tungkol dito at ayaw din niya magbigay kahit na maliit na clue. Pero ang BFF at former roommate ni Pia na si Miss USA 2015 Olivia Jordan ay mukhang may idea kung ano ito.

Comment ni Jordan sa post ni Pia: “Omg omg omg can’t wait!”

Sinagot naman ni Pia si Olivia: “I can’t wait to see you in your wedding gown. And hopefully I see you before then, too.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More