Una sa Balita

Sinon pinalalayas sa Eat Bulaga

By
0 13,575

Hindi nagtapos sa love, love, love ang taon ni Rogelia ng Eat Bulaga na kilala rin bilang Catwalk King na si Sinon Loresca.

Hindi love, love, love kundi bog, bog, bog ang eksena niya sa isang bar sa Ortigas kung saan ang involved ay ang kaibigan niyang foreigner na si Farhad Shukurov.

Ayon sa FB post ni Sinon,

unang sumugod sa kanya ang kaibigan niyang ito dahil diumano sa akusasyon nitong gusto na nitong wakasan ang maltreatment na ginagawa niya sa kanyang PA.

Nagulat nga raw siya kaya lu­maban na rin siya at nasaktan niya ito.

Ayon pa kay Eat Bulaga Da­barkads, kinasanayan na raw ng kaibigan niyang ito na sugurin siya sa kung anu-anong rason, kaya hindi na rin siya nakapagpigil.

Puro paghingi naman ng paumanhin sa kanyang post si Sinon na nagpapaliwanag kung paano nangyari ang insidenteng iyon.

Ang maltreatment daw niya sa kanyang PA katulad ng pagsabunot niya rito na walang dahilan ay isang lambingan nilang dalawa na pareho rin niyang ginagawa sa isa pa niyang PA na mas matagal na sa kanya.

Pero maraming netizens ang hindi natuwa at nagalit talaga kay Sinon sa ganung treatment niya sa mga alalay niya.

Na kahit biro lang daw `yon ay hindi nakakatuwa.

Sinabihan nga siyang peke, plastik, masama ugali, at ang iba ay pinalalayas na siya sa Eat Bulaga dahil nakakasira nga raw siya.

Pero giit nga niya, harutan lang ‘yon na masyado lang sineryoso ng kanyang kaibigang sumugod sa kanya sa isang bar nga sa Ortigas.