Una sa Balita

Sino sila? Secretary puppet ng usec

0 234

SINO raw itong mi­yembro ng gabinete ang mistulang ‘puppet’ na lamang ng kanyang undersecretary?

Ang balitang nasagap kasi ni Mang Teban, itong si usec daw talaga ang nagpapatakbo sa kagawaran dahil halos lahat ng departamentong nasa primary function, siya ang namumuno.

Mantakin n’yo ba naman kasi itong si usec, hawak din niya ang administrative service, disaster risk reduction and management service, information and communications techno­logy service at dalawa pang division.

Bukod dito, ang mapalad na undersecretary din ang namumuno sa proyekto ng mga pagpapatayo ng gusali.

Matagal na raw ang tandem ng dalawa dahil kahit noong hindi pa nagtatrabaho sa gobyerno itong si secretary ay magkasama na sila sa trabaho kaya’t parang anak na ang tu­ring ng kalihim sa kanyang opisyal.

Heto pa ang isang pasabog. Halos lahat daw ng engagement ng kalihim ay si usec ang dumadalo dahil mas bata ito kaya’t lalong lumalawak ang impluwensiya sa gobyerno ng kumag.

Hindi nga raw uub­ra ang ‘bulong brigade’ kay secretary dahil sa kanyang paboritong undersecretary lamang siya nakikinig

Pintahan n’yo na. Ang undersecretary ay may letrang A sa kanyang pangalan as in Astig, habang itong si Cabinet secretary ay maraming kaaway ngayon at may letrang B sa kanyang apel­yido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy