Una sa Balita

Sino si Lomachenko?

By
0 583

EDAD 30-anyos, isa si Ukranian fighter Vasiliy Lomachenko sa pinakamagagaling na boksi­ngero ng mundo sa kasalukuyan.

Nakamit na ni Vasyl ang WBA (Super) at Ring magazine lightweight titles mula May 2018 ma­ging ang WBO featherweight at junior lightweight titles mula 2014 hanggang 2018.

Ngayong araw, susubukan ni Lomachenko na i-unify ang kanyang WBA super lightweight diadem sa WBO belt ni Jose Pedraza ng Puerto Rico sa Madison Square Garden sa New York City.

Hawak ang impresibong 11-1 win-loss record sa likod ng siyam na knockouts (KOs), sinasabing isa sa mga pinakatigasing boxer ngayon ang Ukranian.

Nasa 10-fight winning streak si Lomachenko, pinakahuli ang TKO triumph laban kay Jorge Linares nito lamang Mayo 2018 para sa WBA belt.

Tanging talo ni Vasyl ang split decision kontra Orlando Salido para sa WBO featherweight crown noong Marso 1, 2014.

Katulad ni eight-division champion at kasalukuyang WBA 147-pound kingpin na si Manny Pacquiao, isa ring southpaw o kaliwete si Lo­machenko. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy