Una sa Balita

Sino gagamit ng No. 23?

0 350

Ferdz Delos Santos

Legit na ulit maituturing na playoffs contender ang Los Angeles Lakers sa balitang nakuha na nila via multiple player trade si Anthony Davis mula sa New Orleans Pelicans.

Pinakawalan na ng Lakers ang mga batang sina Lonzo Ball, Brandon Ingram, Josh Hart, ang No. 4 overall pick sa annual rookie draft ngayong linggo at dalawang future first round picks.
Matindi ano po?

Bakit naman hindi? Etong katatapos lamang na 2018-2019 NBA season na pinagkampeonan ng Toronto Raptors, nakapaglaro si Davis ng 59 regular season games.

Kumulekta ito ng 25.9 points, 12.0 boards, 3.9 feeds, 1.6 steals at 2.4 blocks kada laro sa likod ng 51.7% field goal at 33.1% sa three-point region.

Hindi lang iyan, nagtala pa ito ng 79.4% shooting sa free throw at mayroong 30.3 Player Efficiency Rating (PER).

Related Posts

So tingin ninyo, pwede na ba itong rason para pakawalan ng Los Angeles ang mga promi­sing young guns na sina Ingram, Ball at Hart?

Isang katoto natin ang nagsabing buhay na naman ang mga LeBron James fanatics dahil la­lakas na naman ang tsansa nitong makamit ang ikapat niyang NBA title sa pagdating ni Davis.

Pero sapat na ba ang kanilang tambalan upang itumba ang Golden State Warriors na limang taon nang hari ng Western Conference?

Kahit pa sabihing hindi makakapaglaro sa susunod na season ang mga na-injury na sina Klay Thompson (ACL) at Kevin Durant (Achilles), mananatiling contender sa West ang Warriors dahil andun pa rin si Stephen Curry at Draymond Green.

Bukod sa Golden State, mabigat pa rin ang Houston Rockets na babanderahan pa rin nina reigning MVP James Harden at Chris Paul.

Hindi rin pwedeng tawaran ang Denver Nuggets na tigasin na rin sa West.
Pero sa lahat ng ito, pinakapinoproblema ko kung sino na ang gagamit ng No. 23?

Anthony Davis o LeBron James?
Abangan natin mga ka-Abante!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy