Una sa Balita

Sino ang susunod na kasapakan ni Pacquiao?

0 599

NGUMANGAWA at naghahamon ng laban si Errol Spence, Jr. kontra World Boxing Association (WBA) 147-pound ruler Manny Pacquiao matapos niyang makuha ang korona ng kapwa Amerikanong si Shawn Porter nitong Linggo sa Los Angeles, California.

Na-unify na ngayon ng 29-anyos na si Spence ang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Council (WBC) welterweight belt matapos ang split decision win kontra Porter kaya sunod niyang hinahamon ang ‘Pambansang Kamao’.

“I’m the only unified champion and the next fight I want is Manny Pacquiao,” sey ni Spence.

Sa edad na 41-anyos (sa darating na Disyembre), mabangong-mabango pa rin ang pangalan ni Pacquiao kasunod ng split decision win niya kontra Keith Thurman noong Hulyo sa MGM Grand sa Las Vegas.

Wala pang pinal na sunod na kasapakan si Pacquiao, madaming umuugong gaya ng dating sparring partner na si Amir Khan sa Dubai sa susunod na taon.

Pero bali-balita, sa lahat ng mga bigating pangalan ngayon sa welterweight division ay si undefeated at retired boxing champion Floyd Maywethaer, Jr. pa rin umano ang kursunadang sunod na laban ni Pacquiao.

Talo si Pacquiao kay Floyd via unanimous decision sa kanilang unang sagupaan taong 2005, ang pinakamalaking na-generate na kita sa kasaysayan ng boksing.

Sa panig ng fighting senator, kahit sino aniya ang iharap sa kanya ay wala siyang problema.

Lalong hindi problema ang kanyang edad.

“People are saying: ‘Manny is getting old, getting slower’. It’s giving me a challenge and is going to be a challenge for me to work harder compared to before. Before I was just 90-95 percent, but then hearing that I was 100 percent, 100 percent,” ayon naman kay Manny.

Kung sinuman ang sunod na makakalaban ng ating boxing legend, ipagdarasal nating manalo siya at hindi mapahamak sa oras ng bakbakan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More